Saturday, April 10, 2010

toys






"gusto ko ng toy" iyon lagi ang sinasabi ko sa nanay kapag napapadaan kami sa palengke o sa kahit saan basta may mga laruan. Iyon kasi talaga ang kalikasan ng isang bata pero ako, masasabi kong kahit na kailan wala akong natatandaang karanasan sa pagiging bata o kung paano maging isang bata. Iyon bang walang ginawa kundi maglaro maghapon kasama ng mga kaibigan kasi maaga akong namulat sa responsibilidad sa loob ng aming tahanan. Mahirap syempre pero ganoon talaga eh, nasa reyalidad kasi tayo ng buhay dito sa lupa ngunit hindi ko pinagsisisihan na maaga akong namulat sa mga bagay na hindi pa kayang intindihin na isang bata sapagkat ang lahat ng pinagdaanan ko, hindi naman kayang tumbasan iyon ng isa o maraming mga laruan o mga bagay na panandaliang makapagbibigay ng kasiyahan sa isang bata. Hindi masamang maghangad ng materyal na bagay, importante iyon sa atin ngunit dapat makita natin ang ating limitasyon kung ito ba ay nakabubuti pa ba o nakasasama na.

No comments:

Post a Comment