Saturday, April 10, 2010

plants versus zombies




Meron akong pinagkakaabalahang laro. Ito ay ang plants versus zombies. Sa umpisa syempre nag alangan akong laruin kasi nga sabi ko pambabaeng laro siya dahil sa puro bulaklak ang makikita mo doon. Nilaro ko siya sabi ko maganda pala siya. Nakakaaliw laruin hanggang sa umabot doon sa puntong inaasar na ako sa amin dahil sa bakit ang nilalaro ko daw ay larong pambabae sabi ng mga kaptid kong lalake! Tsk! Tsk! Tsk! Wala lang iyon. After a week na nilalaro ko na siya nagulat ako pag pasok ko sa kwarto ng mga kuya ko iyon din pala ang nilalaro nila!. Biruin mo iyon! Mas adik pa pala sila sa akin dahil iyong endless mode na hindi ko dati maabot, sa kanila sisiw lang! Eh di sino sa atin ngayon ang bakla! este ang adik pala! hehehe.

No comments:

Post a Comment