Minsang nanuod ako ng programa ni Korina Sanchez, ang Rated K. Ang topic tungkol sa mga taong natanggalan ng voice box, nagkasakit ng kanser sa baga at namatay dahil sa kakayosi. Ewan ko ba naman sa mga kumpanya ng sigarilyo,naglalagay ng warning na makakasama pala sa kalusugan ng mga tao iyong produkto nila tapos ibinebenta pa nila! So what's the use of putting those reminders and warnings? Still, a lot of people taking it! Kawawa naman kaming mga nakakalanghap ng usok ninyo, hindi ba? and besides you are aware that your health and most important your life is at stake! Hindi niyo ba magets iyon?
Sabi nga ng gf ko na nagyoyosi din, nakikilanghap na nga lang daw tayo, nagrereklamo pa daw tayo, dapat daw tayo pa magabayad sa kanila, biruin mo iyon? What the heck!
Anyway, this will be the image of your lungs after a continous years of smoking. We know that it is really hard to take it away from you or to stop you taking it and we are not forcing you to stop at once syempre dahan-dahan lang until you forgot of taking it anymore.
Lesson to learn, think of your family that is depending on you, to us, your wife, children, your husband maybe, etc.
You can enjoy a happy lifestyle without it. Iyong iba kasi nakikiuso kahit na alam naman nilang makakasama sa kanila. Bakla ka daw kapag hindi ka nagyoyosi o kaya naman Jologs ka, hindi ka in. Panggamot sa stress daw. Ang daming dahilan, dahilan na minsan nakakatawa na nakakainis. Concern lang naman ako but they take it stupid. Kailan niyo pa titigilan iyan? Kapag wala na kayong baga? o kapag may taning na kayo? o kaya naman kapag nawalan na kayo ng voice box? Madaming pwedeng mangyari sa inyo.
And FYI hindi naman kayo kumikita sa pagtangkilik ninyo sa sigarilyo, wala namang rebate na bumabalik sa inyo sa tagal na nang paggamit ninyo niyan but look at those companies, ang laki ng kita nila and look at yourself nasa danger zone na kayo and waiting for your time to get sick and die at nandamay pa kayo ng mga taong walang kamalay-malay.